Mahal (Written by IssaDelle and NicoleE.)
Mahal Limang letra na nagpupuno sa aking pagkatao. Sa bawat ngiti mo, Tinutunaw mo ang aking puso. Tunay ngang binuo mo ako. Ngunit bakit muling nawasak ako? Ayaw mo na ba? Hindi na ba ako? Nagbago na tayo. Nasaan na ang mga pangako? Mga salitang binitawan mo. Pagmamahal na aking natagpuan, buong sarili ko'y ginawang puhunan, binigay at ginawa lahat ng makakayanan. Pero pagmamahal niya'y hindi mo na maramdaman. Lahat ng sakripisyo ay hindi masusuklian. Hanggang kailan mo ito mapagtitiisan? Aasang siya ang aking walang hanggan. Siya ang kaligayahan, aking buhay ay kaniyang kinulayan. Ngunit magaling lang ba sa pinagsimulan? Ngayo'y araw araw nang walang saya. Napalitan ng mga pumapatak na luha. Siya ngayon ay nagdudulot na nang problema, ngunit patuloy na inaantay ang tugon sa iyong mga sana. Oo, ikaw ay sigurado na, ngunit siya'y nagaalinlangan pa. Mahal ka ba dahil kailangan ka? O kail...